42

By

3 Chinese chemists, 3 Pinoy nadakma sa shabu lab sa Batangas

Sharing is caring!

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang shabu laboratory sa Batangas nitong Huwebes ng umaga kung saan tatlong Chinese chemists at tatlong Filipino na nagsisilbing utusan ang naaresto.

Ayon sa ulat ng dzBB, target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 1.3-ektarya ng sakahan sa Barangay Sto. Niño, Ibaan, Batangas.

Itinimbre umano sa PDEA ng Chinese counterparts nila ang naturang laboratoryo sa Batangas.

Sa tantiya ng PDEA, kayang makagawa ng 25 kilo ng shabu kada araw ang naturang laboratoryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?