horse-race11

2 carry over ngayon sa SLLP

Sharing is caring!

Dalawang carry over ang pipiliting masungkit ng mga karerista dito sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park na nasa Carmona, Cavite.

Ang una ay ang pick six carry over na umabot sa P195,934 at mas malaki naman ang carry over ng pick five na magsisimula sa ikatlong karera na umabot sa P374,759.

Titingnan natin kung alin sa dalawang exotic betting ang magrerehistro ng mas malaking gross sales. At dahil nauna itong pick six na nasa unang karera ay paniguradong malaki ang sales dito.

Tatlong kabayo ang itinuturo ng mga racing expert dito sa unang karera na pagmumulan ng unang puntos. Ito ay sina Tequila Princess, Show The Whip at coupled runners Warlock at Humuhumunukunuku.

Sa ikatlong karera na panimula naman ng pick five ay tatlo rin ang napipisil ng mga eksperto. Ito ay sina Sweet Felicia, Princess Tin at Ingrid’s Joy. (Orlando Primo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?