30
crime-scene-dead-body

2 carnapper todas sa Laguna shootout

Sharing is caring!

Patay ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis sa San Pedro City, Laguna Sabado ng umaga.

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, spokesperson ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (Calabarzon) nangyari ang insidente ala-1:00 ng umaga sa Barangay Pacita Complex 1B.

Bago ang barilan, hinarang ng mga pulis ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo sa checkpoint sa pagitan ng San Pedro City at Biñan City.

Subalit sa halip na tumigil, humarurot ang mga suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa mapatay ang mga ito sa Barangay Pacita.

Nakilala ang mga suspek sa alyas na Jumbo at Hatch na sinasabing mga kilabot na carnapper sa Biñan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?