12

By

2 CAFGU sugatan sa pagsabog ng granada sa Basilan

Sharing is caring!

Dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang sugatan matapos sumabog ang isang granada kagabi sa Barangay Sumagdang, Isabela City, Basilan.

Ayon kay Chief Supt. Edwin De Ocampo, Regional Office deputy regional director for administration, ang mga sugatan ay kapwa miyembro ng Joint Task Force ng CAFGU at itinanggi munang ibigay ang pagkakakilanlan ng mga ito nang sabugan ng granada bandang alas-9:40 ng gabi ng Martes.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Police at Explosives Division ng Regional Mobile Force Battalion 9 kaugnay sa naganap na pagsabog.

Kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint sa ilang bahagi ng Basilan upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?