37

Jun 14, 2020 @ 15:31

2 buwan buntis: Sheena nahirapan sa paglilihi

Hindi nagpahuli si Sheena Halili na sumabay sa bandwagon ng mga buntis ngayong COVID-19. Yes, nagdadalantao nga si Sheena, ang misis ni Atty. Jeron Mazanero.

Thirteen weeks o mahigit dalawang buwang buntis na nga si Sheena na ibinalandra niya sa kanyang mga social media account.

Inilantad nga niya ang kanyang maumbok na tiyan. Nag-post din siya ng ultrasound photo copy ng kanyang ipinagbubuntis na itinapat pa niya sa kanyang tummy.

Sabi nga ni Sheena sa caption ng post, tatlo na sila sa pamilya sa pagdating ng kanyang unang pagbubuntis.

Umamin naman si Sheena na nahirapan siya sa paglilihi. Mabuti na lang daw at sinuportahan siya at inalagaan talaga siya ng kanyang mister, na sinusunod ang lahat ng gusto niya.

May mga moment na minamasahe siya nito, binabantayan sa pagtulog, at kung ano-ano pa.

Siyempre, marami ang natuwa sa pagdadalantao ni Sheena. Una na riyan ang Broadway star na si Rachel Anne Go. Bumati rin si Jaya kay Sheena.

Malamang na sa January 2021 manganganak si Sheena. At sana sa panahong ‘yon ay may gamot o vaccine na laban sa virus.

Luis mas sintunado kay Anne

Bukod kay Alex Gonzaga, alaga ring pagtripan o alaskahin ni Luis Manzano si Anne Curtis.

Hayun nga at muling inasar ni Luis si Anne dahil sa video na pinoste ni Anne sa Instagram na kinakantahan niya ang anak na si Dahlia.

Nilalaro ni Anne ang bata, at kinakantahan ng “Twinkle, Twinkle Little Star.”

Ramdam naman na pumapasag-pasag ang baby na tila natutuwa ito sa kanta ng kanyang mommy.

Sa totoo lang, nakanta nang maayos ni Anne ang awitin, kaya reaksiyon ng mga fan niya, nakakanta naman pala ng matino ang actress-host. Madalas kasi ay nagsisintunado talaga si Anne kapag bumibirti.

Pero, kahit maayos ang pagkakaawit ni Anne, humirit ng pang-aasar si Luis.

“Baka tumanda siya bigla with your voice nips ha,” sey ni Luis.

At rumesbak naman agad si Anne na pinuntirya rin ang boses ni Luis, na sinasabi nga na mas sintunado ito.

“@luckymanzano paano kaya when it’s your turn to sing your own little one? Naku po,” sey ni Anne.

Inulan ng kantyaw si Luis mula sa mga follower ni Anne.

Maja sabik nang rumampa na naka-bikini

Sa kasabikan ni Maja Salvador na makapaglunoy sa dagat at magbilad sa init ng araw, naghubad na ito sa kanyang Instagram.

Hindi na nahintay pa ni Maja na makapunta sa beach at pinoste na niya ang larawan na naka-two piece black swimsuit.

Pangalawang beses na itong pagpapaskil ni Maja ng kanyang sexy photo, na ang una ay kasama niya ang kanyang kasintahang si Rambo Nuñez sa pagbisita nila sa isang beach resort abroad.

Ramdamn a ang pananabik ni Maja na mai-display ang bikini bod niya, o kaseksihan niya.

“Ready to lounge in my favorite bikini #soon,” saad niya.

Ready na talaga ang marami sa mga celebrity na makipagsapalarang rumampa sa mga island resorts kahit hindi pa humuhupa ang bangis ng COVID-19.

Handa na silang yakapin ang #newnormal, kaysa tuluyang mabaliw sa bagot ng community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?