298

Jun 19, 2018 @ 14:21
By

2 bumbero sinuspinde sa paggawa ng porn sa fire station

Kapwa inilagay sa administrative leave nitong Lunes ang dalawang bumbero sa Ohio dahil umano sa paggawa ng malalaswang mga video sa mismo nilang istasyon.

Sinuspinde na sina Arthur Dean at Deann Eller habang isinasagawa ang imbestigasyon sa eskandalo.

Ayon kay Fire Chief Clarence Tucker, isang bumbero ang nagsumbong hinggil sa ginagawa nina Dean at Eller.

Hindi magkasama ang dalawa sa iisang fire station pero alam ng lahat na mayroon nang matagal na relasyon ang mga ito.

Hindi naman binanggit pa ang pangalan ng fire station at kung saan kinunan ang videos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?