240

2 bully binatukan, tinadyakan ang dalagita

Sharing is caring!

Kumalat sa Facebook ang video ng pambubugbog ng dalawang dalagita sa isang halos kaedad din nilang babae.

Sa 29 na segundong video, makikitang nakamasid ang isang dalagita na nakauniporme pa ang isa pang babae na naglalakad. Maya-maya pa ay sinundan sila ng nakapulang dalagita saka tila sumenyas sa nakauniporme na simulan ang pagbanat sa sinusundang babae.

Kita sa video na maraming kapwa estudyante ang nakakita sa pambubugbog at pagsapok sa dalagita ngunit walang umawat o sumita sa ginawa ng dalawa na tumakbo agad palayo matapos maisakatuparan ang pagbanat sa babae.

Galit na galit naman ang reaksiyon ng mga netizen na nakapanuod sa nasabing video. Ilan sa kanilang komento:

“Tinuturuan dapat ng leksyon yang mga bata na yan para hindi na gayahin ng iba,delikado yung ginawang pagsuntok sa batok noong kawawang bata.nakakagigil yung dalawang nanakit,dapat mabigyan ng leksiyon yung dalawa na yun.”

“gigil n gigil ako pu——ina nyo kung ako ina nyang pinagtulungan nyo magtago n kyo sa pinanggalingan nyo at sigurado ako makakalaban nyo may paglalagyan kyo skin,mga duwag at bahag ang buntot ng mga lumalaban ng trayduran…kakagigil!!!!”

Naglabas din ng reaksiyon ang tiyuhin ng batang babae na binugbog. Aniya, hinala nila ay fraternity ang dahilan bakit ito nagawa ng dalawang dalagita at aaksiyunan umano agad ang ginawa sa kanyang pamangkin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?