15
arestado
By

2 bugaw huli sa entrapment, 15 babae nasagip

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang bugaw habang nasa 15 kababaihan kabilang na ang limang menor de edad ang nasagip nang salakayin ang isang KTV bar kagabi sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, hepe ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), nagpositibo sila sa report na puwersahang ibinebenta ang mga babae sa customer ng bar at maaaring ilabas at dalhin sa katabing motel.

Naaresto ang mga suspek na sina Jun Espiritu at Yvonne Mahinay sa isinagawang entrapment operation makaraang tumanggap ng P9,000 marked money bilang kabayaran sa dalawang napili umanong menor de edad ng pulis na nagpanggap bilang kustomer.

Paliwanag naman ng mga suspek na bugaw umano, tinutulungan daw nila ang pamilya ng mga babae at pang-tuition fee rin.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Anti-Child Abuse law ang dalawang suspek habang dinala sa pangangalaga ng DSWD ang limang menor de edad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?