50

By

2 bouncers arestado sa pambubugbog

Sharing is caring!

Pasa sa mukha at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang lalaki matapos umanong bugbugin ng dalawang bouncers ng KTV bar sa Sampaloc, Manila.

Kuwento sa pulisya sa Manila Police District Station 4 ng biktima na si Adornado Jandaya, naglalakad sila ng kanyang pinsan na si Junnie nang mapadaan sa tapat ng bar sa Maceda cor. Maria Clara St., Sampaloc.

Nagulat na lamang daw sila ng may hindi bababa sa walong lalaki ang humarang sa kanila sa daan.

Dito ay pinagtulungan na umano siyang suntukin at bugbugin ng mga lalaki hanggang sa mawalan siya ng malay.

Nagtamo rin ang biktima ng sugat sa tagiliran dahil sa hampas ng armalite na galing umano sa isang alyas Melvin na boss sa naturang KTV bar kung saan siya may atraso.

Hindi naman kaagad nakapag-report sa pulis si Jandaya dahil dinala pa siya sa ospital pati ang kanyang kasama kung saan siya ay na- confine, matapos mawalan ng malay.

Arestado naman ang dalawang bouncer ng KTV bar na sina Leo Mendoza at Rowel Villena.

Giit naman ng mga suspek, matagal nang nanggugulo ang biktima sa kanilang bar at sa tuwing nakakainom ito ay sila ang napagdidiskitahan.

Dahil sa sobrang pagkainis, dito na sila nagdesisyon na turuan ng leksyon ang biktima.

Patuloy naman na pinaghahanap ang iba pang mga kasamahan ng suspek.

Mahaharap ang dalawa sa kasong serious physical injury. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?