17
views
mrt-3

2 biyahe ng MRT-3 nagkaaberya, 900 pasahero pinababa

Sharing is caring!

Dalawang magkasunod na aberya ang naitala sa biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) dahilan upang maabala ang mahigit sa 900 pasahero na pinababa at pinalipat ng kasunod na tren kaninang umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, parehong technical glitches ang dahilan ng magkasunod na pagtirik ng kanilang mga tren.

Naitala ang unang aberya dakong alas-6:52 ng umaga nang magkaroon ng problema sa signaling system ang isa sa mga tren sa northbound ng Boni Avenue station sa Mandaluyong City.

Pinababa ang may 600 pasahero nito at pinalipat sa kasunod na biyahe.

Dakong alas-7:48 naman ng umaga nang magkaaberya na naman ang isa pang tren dahil naman umano sa electrical problem sa southbound ng Santolan station.

Kagaya ng nauna, pinababa rin ang may 300 pasahero ng nasirang tren at pinaghintay ng kasunod na biyahe nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?