41

Dec 9, 2021 @ 13:56
By

2 bistado sa modus gamit pangalan ng pulis sa Pampanga

Arestado ang dalawang indibidwal matapos gamitin ang pangalan ng direktor ng Central Luzon police para manghingi ng pera sa Mexico, Pampanga.

Batay sa Mexico police at mga miyembro ng regional investigation-special concern unit, dinakip ang mga suspek na sina Editha Candelaria, 47, at Maribeth Cabanding, 41, matapos umanong magpakilala bilang mga kinatawan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Brig. Gen. Matthew Baccay.

Nanghingi umano ng P9,000 ang mga ito sa barangay captain ng nasabing lugar para sa isang “dinner-for-a-cause” ngunit isa pala itong modus.

Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang mga suspek at ang isa pa nilang kasamahan na hindi pa nahuhuli.

Pinag-iingat naman ni Baccay ang publiko sa mga gumamit ng kaniyang pangalan para sa nasabing modus.

“Let me remind the public to be discerning and do not easily trust anyone who will use the name of several personalities, including myself, to ask for a favor or money,” pahayag nito.

“I also urge everyone to immediately report to authorities if they fall victim to any scam,” dagdag pa nito. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?