60

Dec 22, 2017 @ 18:06

2 binatilyo timbog sa sugal, damo

Sumbong sa presensiya ng Salisi Gang members ang itinawag sa Pasay City police station ngunit tatlong lalaki ang naaktuhang nilang nagsusugal.

Ngunit bumigat ang kaso nina Jordan Garcia, 35 at Jeric Garcia, 21 dahil bukod sa pagsusugal ay nakumpiskahan din sila ng droga.

Base sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya ukol sa presensiya ng mga miyembro ng Salisi Gang sa Tramo Street.

Agad na rumesponde sina SPO2 Victor Abalos ang naaktuhan ang mga suspek kasama ang isang 16 anyos na binatilyo na nagsusugal ng cara y cruz.

Sa paghuli sa tatlo ay nakumpiskahan sila ng dalawang pakete ng marijuana.

Kinumpiska na rin ang P280 na taya nila sa sugal.

Ikinulong na sina Garcia at Pancho, samantalang nasa pangangalaga na ng social worker ang menor de edad na suspek. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?