226,425

Jun 23, 2019 @ 19:00
By

2 binata todas sa kidlat habang naglalaro ng Mobile Legends

Patay ang 2 binata matapos tamaan ng kidlat habang naglalaro ng online game na “Mobile Legends” sa bulubunduking bahagi ng Barangay Patag Ilaya sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Dead on the spot matapos masunog ang mga katawan ng biktimang nakilalang sina Jimboy Laura, at Jericho Laura, magpinsan at pawang 18-anyos, residente ng Barangay Patag Ilaya ng naturang bayan.

Base sa ulat ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS) naganap ang insidente dakong alas 4:30 ng hapon kamakalawa.

Sa salaysay ng isa sa magulang ng biktima, nagpaalam umano ang mga biktima sa kanya upang maghanap ng malakas na signal para sa paglalaro ng online games na Mobile Legends.

Makalipas ang ilang minuto ay dumilim ang kalangitan at sumama ang panahon kung saan nagkaroon ng matatalim na kidlat sa lugar dahilan upang tamaan ang mga biktima.

Natagpuan na lang ang mga bangkay ng magpinsan sa ilalim ng isang puno hindi kalayuan sa kanilang bahay, sunog ang parte ng katawan ng dalawang binata na tinamaan ng kidlat habang pira-piraso ang kanilang cellphone na nagkalat sa lupa.

Samantala payo naman ng pulisya na huwag gumamit ng cellphone kapag kumikidlat dahil kadalasan ay nakaka-attract ito sa kidlat, bukod sa paggamit ng cellphone ay iwasan din ang mga open o malawak na lugar katulad ng bukid dahil ito din ang paboritong tamaan ng kidlat gayundin ang pagsusuot ng mga silver na kasuotan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?