97

Nov 4, 2017 @ 15:50

2 bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya sa Zamboanga del Norte

Pinalaya ang dalawang kidnap victims na dinukot ng hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang dalawa na sina Rome Gambe, binata, residente ng Justina Village, Tumaga, Zamboanga City at Jonathan Timbung, residente ng Bagio Valley St., Maria, Zamboanga City.

Ayon kay PNP Region 9 spokesman, Police Chief Insp. Helen Galvez, alas-kuwatro ng hapon noong Nobyembre 1 nang palayain ang mga bihag sa Barangay Muti, Zamboanga City.

Kuwento raw ng mga biktima, dinala sila sa isang isla ng mga kidnaper mula nang dukutin noong Setyembre 31, 2017 sa Sitio Dalikanan, Barangay Nala, Sibuco, Zamboanga del Norte.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP anti-kidnapping group sa Cawacawa Camp Batalla, Zamboanga City.

Hindi naman matukoy ni Galvez kung nagbayad ng ransom ang mga pamilya ng mga biktima kaya napalaya ang mga ito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?