36
arrested
By

2 big-time drug dealer, laglag sa shabu at mga baril

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang target-listed drug personalities sa bisa ng search warrants sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga suspek na sina Mobin Manguis Nonong at Adjing Manguis Nonong na nadakip nitong Mayo 16 sa nasabing lalawigan.

Nakumpiska kay Mobin ang apat na sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000; mga drug paraphernalia, isang kalibre .45 na may magazine; isang improvised shotgun.

Nasamsam naman sa tahanan ni Adjing ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000; isang kalibre .45; apat na magazines; 42 piraso ng bala; at sling bag.

Kasalukuyang nakapiit sa PDEA headquarters ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaso nilang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?