199

Oct 24, 2017 @ 16:44

2 ‘big fish’ ng CPP-NPA, nalambat

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang dalawang matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Brgy. Dulao Bago City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga ito na sina Aurora Cayon, alyas Lilay, staff ng National Finance Commission ng CPP-NPA, na may kasong robbery with violence or intimidation of person at arson; at Louie Antonio Martinez, alyas Louie Castro, na kabilang sa National Military Commission ng CPP-NPA, wanted dahil sa kasong murder at multiple attempted murder.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa, si Cayon ay naihalal sa matataas na posisyon sa CPP-NPA katulad ng pagiging miyembro ng Execom at finance head ng komite ng Mindanao, 2nd deputy secretary ng Southern Mindanao Regional Committee at 2nd deputy secretary ng North Eastern Mindanao.

Nakuha sa dalawa ang kalibre .45 baril, isang hand grenade, magazines at ammunition.

Panawagan naman ni Dela Rosa sa publiko na mas maging mapagmatyag sa paligid at agad na i-report sa awtoridad ang mga kahina-hinalang mga kilos o bagay na posibleng gawa ng mga terorista upang agad na maaksiyunan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?