15

Dec 5, 2021 @ 18:02
By

2 bebot na tulak ng shabu, kalaboso

Nalambat sa isang buy-bust operation nitong Sabado ang dalawang babae na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa Naga City, Camarines Sur.

Batay sa ulat, kinilala ang dalawang suspek bilang sina Ronna Balcueva at Jacqueline Geroy, parehong 29-anyos, at parehong residente sa Barangay Calauag sa nasabing siyudad.

Dinakip umano ang dalawa matapos magbenta ng 11 gramo ng shabu sa isang undercover agent.

Sa paghahalughog sa kanilang kuta, nakumpiska ang nasa 150 gramo ng shabu na may halagang P1 milyon.

Himas-rehas ngayon ang mga suspek sa Police Station 3 sa Naga City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?