45

Jul 16, 2021 @ 16:04
By

2 bayan sa Isabela balak gawing ecotourism corridor

Isinusulong sa Kamara de Representantes ang panukala na gawing ecotourism corridor ang bayan ng San Mariano at Palanan sa lalawigan ng Isabela.

Sa ilalim ng House Bill 9552, gagawa ng tourism development plan ang Department of Tourism upang linangin at tayuan ng mga kinakailangang imprastraktura ang lugar sa loob ng isang taon mula sa pagsasabatas ng panukala.

Sa bayan ng San Mariano matatagpuan ang Amisan Falls, Minangaoan Falls, Disusuan Falla and Cadsalan Falls. Mayroon din itong forest area para sa mga nais mag-hiking at camping. Dito rin matatagpuan ang isang crocodile conservation sanctuary.

Nakaharap naman sa Dagat Pasipiko ang bayan ng Palawan kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamahaba at pinakamalawak na white sand beach sa Luzon.

Sa kabila ng kagandahan ng lugar ay hindi umano dinarayo ng mga turista ang lugar dahil sa kakulangan ng imprastraktura.

Ang panukala ay inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa at inaasahan na aaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa pagbabalik ng sesyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?