76

Jan 2, 2018 @ 13:26
By

2 batch ng mga opisyal, koronel sisibakin ni Duterte – Roque

May nakalinya pang ibang sisibaking opisyal si Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito maliban sa presidential appointee na papangalanan ngayong Miyerkoles.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mga police colonel ang mga kasama sa sisibakin ng Pangulo sa loob ng linggong ito.

Dumaan aniya sa imbestigasyon at proseso bago napagdesisyunang sibakin ang mga ito.

“Sa linggong ito, bukod doon sa mataas na nanunungkulan eh sinabi na naman ni Presidente na iyong mga pulis, kasama iyong ilang mga colonel na sisibakin din sa puwesto,” ani Roque.

Iba-iba aniyang kaso ang kinakaharap ng mga sisibaking police officials kaya iyong mga sakop ng Civil Service Law ay binigyan ng karapatang marinig ang kanilang panig.

Sinabi pa ni Roque na nais lamang ipakita ng Pangulo na wala itong sinasanto lalo na kapag hindi sumunod sa patakaran at sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?