38

Jun 23, 2020 @ 21:16
By

2 batang dolphin patay matapos ma-trap sa lambat

Nasawi habang ginagamot ang dalawang batang dolphin na na-trap sa fishing net sa bayan ng Malitbog, Southern Leyte noong June 21.

Ayon kay Josie Bag-ao, agriculture technician ng Malitbog, nahuli ng mangingisda na si Bambino Rio ang dalawang dolphin.

Nagulat siya nang makita ang mga dolphin sa loob ng lambat.

Hinila ni Rio ang fish net sa baybay at agad ipinaalam ang insidente sa agriculture office.

May habang 1.36 metro ang isa sa dolphin (15 kilo) habang 1.13 metro naman ang isa pa (11 kilo).

Inilibing ang mga namatay na dolphin sa likod ng agriculture office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?