127

May 13, 2021 @ 21:51
By

2 bata pinatay sa gubat sa Bulacan

Natagpuang patay ang dalawang bata, ang isa ay nakahubad at durog ang mukha, sa kagubatan sa San Jose del Monte, Bulacan noong Miyerkoles.

Sa ulat, kinilala ang mga biktimang edad 11 na babae at 8-anyos na lalaki.

Nakita umano ang batang babae na walang saplot sa katawan habang ang lalaki ay nakadapa.

Ayon sa ama ng batang babae sa GMA report, hindi makilala ang anak niya dahil durog ang mukha nito na tila pinalo ng bato.

Sabi ng pulisya, noong Martes nai-report na nawawala ang dalawang biktima.

Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng ginawang awtopsiya sa biktimang babae upang mabatid kung hinalay at ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,