36
crime

2 bata patay matapos tadtarin ng saksak ng ama sa Taguig

Sharing is caring!

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng sarili nilang ama ang dalawang bata sa M.L. Quezon Avenue, New Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat, kinumpirma ni Police Chief Supt. Thomas Apolinario, direktor ng Southern Police District (SPD), na nang rumesponde ang mga pulis ay wala nang nagawa ang mga ito kundi barilin na ang suspek na nagbunsod din sa kamatayan nito.

Gumagamit umano ng droga ang tatay ng mga bata.

Samantala, walang iba pang detalye na inilabas hinggil sa insidente habang sinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?