2 bata natusta sa sunog sa Tagum City

Sharing is caring!

Patay ang dalawang magkapatid na batang babae sa isang sunog na naganap sa Tagum City, davao del Norte.

Ayon sa report ng Unang Balita ng GMA 7, nakilala ang mga biktima na sina Lara Mae Espinosa, 7, at kapatid nitong si Lisa Mae, 1.

Naisugod pa sa ospital si Lisa Mae subalit namatay din ito.

Nakaligtas naman ang dalawa pa nilang kapatid.

Sabi sa ulat, bumibili ng gamot ang kanilang ama habang nasa trabaho naman ang kanilang ina nang mangyari ang sunog alas-3:00 ng hapon noong Huwebes.

Agad na kumalat ang apoy dahil gawa lang sa kahoy at pawid ang kanilang bahay.

Hinala ng mga imbestigador mula sa pinaglaruang palito ng posporo ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?