256
drown1
Apr 9, 2018 @ 17:09

2 bata nalunod sa resort sa Leyte

Namatay matapos malunod ang dalawang batang babae nang mag-swimming sa isang resort sa bayan ng Carigara, sa Leyte, Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga biktima na sina Erica Cajudo, 6, ng Barangay San Roque, Leyte; at Amanda Mae Codillo, 8, ng Barangay Guindapunan West.

Naglalaro umano ang dalawang bata kasama ang nakababatang kapatid ni Amanda na si Renz sa mababaw na parte ng Karigusan Beach Resort sa Barangay Naugisan dakong alas-kuwatro ng hapon.

Tumaas umano bigla ang level ng tubig kaya’t naanod ng rumagasang alon ang tatlong bata at nadala sa malalim na bahagi ng dagat.

Nailigtas si Renz pero nalunod at namatay sina Erica at Amanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?