43

Mar 17, 2020 @ 16:03
By

2 bata nalunod sa ilog sa Laguna

Nasawi ang dalawang batang lalaki matapos na ang mga ito ay malunod sa ilog sa Sta. Cruz, Laguna Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jhon Robert Centeno Reyes, at Stephen Leonardo De Luna, kapwa 10 taong gulang na estudyante at residente ng San Pablo Sur at Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Sta Cruz police, nangyari ang insidente dakong alas-tres ng hapon habang naliligo sa gilid ng ilog ang nasawing si De Luna at ang isa pang 10-anyos na bata na si Vince Lebron Tolentino sa Sta. Cruz River sakop ng Barangay Poblacion 2.

Bigla namang nahulog sa ilog ang biktimang si Reyes subalit nahawakan nito ang paa ni De Luna kaya magkasamang lumubog ang dalawa sa malalim na bahagi.

Itinakbo pa ang dalawa sa Laguna Medical Center matapos na masagip ng mga rescuer ng MDRRMO at ng mga bystander subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?