63
views

2 bata nalason sa pagkain ng seafood, patay

Sharing is caring!

Nasawi ang dalawang magkapatid dahil diumano sa pagkaiin ng seafood sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Ayon sa report ng Unang Balita ng GMA 7, nakilala ang mga biktima na sina Joemarie at Jollymar Rusia.

Naospital din ang kanilang ina at dalawang pang magkapatid matapos sumakit ang tiyan at magsusuka.

Sinabing kumain ang pamilya Rusia ng pagkaing dagat ng kung tawagin sa kanila ay Tipay, Annikad at Kumong-kumong.

Iniimbestigahan na ng Municipal Health Office ang insidente at inaalam kung saan nanggaling ang nakain nilang seafood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?