71

Feb 13, 2021 @ 16:20
By

2 bata lumantak ng alimango, tigok

Patay ang dalawang bata habang kritikal ang kanilang ama matapos umanong kumain ng kuret, isang uri ng coral reef crab, sa Santa Ana, Cagayan.

Ayon sa ulat nitong Sabado, nanguha ng alimango si Eugenio Cuabo Sr., na siyang inulam nilang mag-aama.

Ilang minuto lamang ang lumipas matapos makakain, dumaing ang mga bata ng pamamanhid ng katawan.

Itinakbo sila sa ospital ngunit hindi naisalba sina Reign Clark Cuabo, 5-anyos, at Macniel Craigs, 2.

Nananatili namang masama ang kondisyon ng kanilang amang si Eugenio.

Samantala, kumuha na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng samples ng alimango na kinain ng pamilya para masuri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?