10

Sep 16, 2020 @ 16:31
By

2 bata dedo sa tahong

Nasawi ang dalawang bata habang apat pa sa kanilang kapamilya ang naospital matapos kumain ng tahong sa Bagacay village, Daram, Samar.

Ayon sa report ng Department of Health, Sept. 16, kontaminado ng red tide ang tahong na kinain ng mga biktima.

May edad na 8-anyos at 3-anyos ang mga namatay na biktima, na magkapatid na lalaki.

Naka-confine naman ang apat pang miyembro ng kanilang pamilya sa isang ospital sa Catbalogan City, Samar.

Noong Martes nananghalian ng tahong ang mga biktima at ilang oras lang ang lumipas, anim sa kanila ang nakaramdam ng pamamanhid, pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang magkapatid.

Iniimbestigahan na ang insidente dahil ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas regional information officer Christine Gresola, lumabas sa pagsusuri na hindi naman kontaminado ng red tide ang karagatan ng Daram, Samar.

Kasalukuyang nakataas ang red tide alert sa Irong-Irong Bay sa Samar, Cancabato Bay sa Tacloban City, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte at mga karagatan sa Guiuan, Eastern Samar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?