51

Jan 4, 2022 @ 18:59
By

2 bata dedo sa generator

Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa paggamit ng generator set.

Ito’y matapos dalawang bata ang nasawi nang magliyab ang generator sa Tagbilaran City, Bohol noong Bagong Taon.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa bayan ng Cortes, Tagbilaran kung saan gumamit ang isang pamilya ng generator sa loob ng bahay.

Sabi ng BFP-Tagbilaran, mayroon umanong nagsindi ng kandila sa loob ng bahay na nagresulta ng pagliyab ng genset at pagkamatay ng dalawang bata.

Matatandaang naging essential sa lugar ang generator set dahil sa patuloy na nararanasang power outage dulot ng bagyong Odette.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?