1,317

Dec 30, 2018 @ 17:22
By

2 basher sawa na sa katawan ni Beauty, aktres sumagot

Bumwelta ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzales sa naging komento ng dalawang Instagram user sa kanyang bikini photo.

Saad ng isang netizen na si @gab.9994, patuloy umano ang pagpo-post ni Beauty ng mga sexy pics at sinabihang magdamit na ito.

Hindi naman nakapagpigil ang aktres na sumagot at nagpatama sa kakarampot na follower ng IG user.

May isa pang netizen na si @sweetieshines ang nagpatama rin sa mga sexy posts ni Beauty, na kaagaran ding sinagot ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?