84

Jun 21, 2021 @ 12:41
By

2 baryo sa North Cotabato nawalis iligal na droga

Malinis na sa iligal na droga ang dalawang baryo sa Pikit, North Cotabato, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12.

Nagalak si Pikit Mayor Sumulong Sultan sa pagiging ‘drug-free’ ng Damalasak at Punol.

“Our efforts yielded good results, and credit should go to all stakeholders,” ayon kay Sultan.

Pinuri naman ni PDEA-12 Director Naravy Duquiatan ang LGU ng Pikit dahil sa kanilang aksyon kontra iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?