138

Oct 10, 2021 @ 16:57
By

2 barko ng Pinas armado na ng missile

Dumating noong Biyernes ang unang surface-to-air missile ng bansa na ilalagay sa dalawang frigate ng Philippine Navy.

Ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna ang pagkakabitan ng Mistral 3 surface-to-air missiles.

“The arrival of these missiles will greatly capacitate our frigates in the conduct of their maritime operations,” pahayag ni Commander Benjo Negranza mula sa Navy.

Ang mga missile ay nabili sa pamamagitan ng Frigate Acquisition Project ng Navy.

“This is a game changer. We are becoming modern and multi-capable,” wika naman ni Vice Admiral Adeluis Bordado.

Ang BRP Jose Rizal ay ang unang warship ng Pilipinas na pwedeng armasan ng missile. Dinala ito sa bansa noong nakaraang taon samantalang ang BRP Antonio Luna ay dumating noong Pebrero. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?