49

Apr 8, 2021 @ 15:31
By

2 barko nagbanggaan sa Cavite

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nangyaring pagbabanggaan ng isang oil tanker at isang bulk carrier sa karagatan ng Cavite City kagabi, Abril 7.

Ani PCG spokesman Commander Armand Balilo, na-rescue na ang mga tauhan ng dalawang barko.

Batay naman sa inisyal na pagsisiyasat ng BRP Malabrigo, umabot sa sampu hanggang 20 metro ng pinsala ang tinamo ng oil motor tanker na Rich Rainbow (Thailand) at bulk carrier Ivy Alliance (Marshall Islands) dahil sa insidente.

Naglalaman ng gasolina ang Rich Rainbow na bumiyahe mula Pilipinas papuntang China habang naglalaman naman ng uling ang Ivy Alliance at biyaheng Indonesia papuntang Pilipinas nang maganap ang banggaan, ayon sa Facebook post ng PCG.

Sa kabila nito, walang nasaktang crew o tumagas na langis sa karagatan.

Bilang bahagi ng marine casualty investigation, nakatakdang maghain ang Port State Control ng “notice of detention” sa dalawang barko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?