519

Sep 20, 2018 @ 9:23
By

2 barangay sa Naga, Cebu, hinagupit ng landslide

Tinamaan ng landslide ang dalawang barangay sa Naga City, Cebu ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) spokesperson nitong Huwebes ng umaga, Setyembre 20.

Sa panayam ng online site na GMA News Online, naganap ang nasabing pagguho ng lupa bandang alas-6 ng umaga.

Nangyari ang landslide sa Barangay Naalad at sa Barangay Tinaan sa nasabing lungsod.

Tinatayang aabot sa 20 hanggang 25 kabahayan sa Naalad, samantalang 10 naman sa Tinaan, ang kasalukuyang lubog sa lupa ayon naman kay Chief Inspector Roderick Gonzales ng Naga police.

Tinitingnan ng mga awtoridad na maaring dahil sa malakas na pag-ulan sa magdamag ang naging dahilan ng insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?