167

By

2 barangay chairman sa CamSur, arestado sa vote-buying

Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Sur ang dalawang punong barangay matapos maaktuhang bumibili ng boto sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Sta Lucia, Magarao, Camarines Sur kahapon.

Ang nangyaring vote-buying ay may kinalaman sa gaganaping Association of Barangay Councils o ABC election sa CamSur.

Ayon kay Philippine National Police Bicol Region Criminal Investigation and Detection Group Sr. Supt. Wilson Asueta, ala-1:20 ng hapon isinagawa ang entrapment operation sa loob ng isang kuwarto sa isang resort sa Brgy.

Ito’y sa reklamo na rin ng dalawang kapitan na kinilalang si Florentino Sibuc at isang Clariño.

Kinilala ang mga naarestong sina Augusto Laure, chairman sa Brgy. San Roque, at Allan Vedallo, punong barangay ng Brgy. Pagaw, Bombon, Camarines Sur.

Nakuha ng mga pulis sa isinagawang entrapment operation ang P100,000 na cash.

Sa ngayon nakakulong na ang mga suspek sa detention cell ng CIDG Bicol Region at mahaharap na sa kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?