39

By

2 bangkay natagpuan sa EDSA

Sharing is caring!

Dalawang bangkay ng lalaki na may gilit sa leeg ang natagpuan sa kahabaan ng EDSA sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni PSSupt. Jemar Modequillo, ng Caloocan City Police, alas-singko ng madaling- araw nakita ang bangkay ng dalawang lalaki na inaalam pa ang pagkakakilanlan sa gilid ng EDSA na sakop ng Barangay 153, Bagong Barrio.

Isa sa mga ito ay nakasuot ng puting T-shirt at maong shortpants habang ang isa pa ay nakasuot ng pulang maong shortpants at kulay abong T-shirt.

Isang driver umano ang nakatuklas sa mga bangkay nang sandali umanong pumarada sa isang abandonadong pabrika sa nasabing lugar upang umihi.

Samantala, sa kalagitnaan ng pagsisiyasat ng pulisya sa lugar, ilang mga tao ang nagsabing kilala umano nila sa mga unang pangalan ang dalawang biktima, at ito umano ay sina Edgar at Edwin na pareho umanong kargador sa Balintawak Market ngunit nagsa-sideline na holdaper, bagay na kinukumpirma pa ng pulisya. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?