84
ltfrb
By

2 bagong TNC, binigyan ng akreditasyon ng LTFRB

Sharing is caring!

Dinagdagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inaprubahan nitong transportation network company (TNC) sa bansa.

Ayon sa ahensiya, ito’y para mapabuti pa ang serbisyo ng transportasyon sa Pilipinas.

Ang dalawang bagong TNC ay ang Snappy Cab at RYD.

Walong TNC na ang pinahihintulutan ng LTFRB na bumiyahe kabilang na ang Ipara, Hype, Otwo, Hirna, Micab at Golag.

Samantala, nakabinbin naman ang renewal ng akreditasyon ng Grab dahil sa kinakaharap nitong mga reklamo ukol sa ownership.

Sa kabuuan, mahigit 60,000 transport network vehicle service na ang bumibiyahe sa kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?