172
views
guillermo-eleazar
By

2 bagitong pulis na natakasan ng drug suspect sa QC, sinibak

Sharing is caring!

Sibak sa puwesto ang 2 bagitong pulis ng Quezon City Police District na natakasan ng binabantayan nitong preso.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang dalawang pulis na sina PO1 Jason Landayan at PO1 Randy Yape, parehong nakatalaga sa Anti-Illegal Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 4.

Ayon kay Eleazar, ang dalawa ang police escort ng drug suspek na si alyas “Jan Jan” at iba pang preso na ininquest madaling araw ng Sabado.

Pabalik na ang grupo sa Novaliches Police Station nang magawa ni alyas JanJan na matanggal ang kanyang posas at makatalon mula sa police mobile.

Sinubukan pang habulin ng mga pulis ang drug suspect na tumakbo sa direksyon ng Sauyo Market pero hindi na nila ito inabutan.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang QCPD sa nakatakas na suspek.

Ang mga nakatakasang pulis naman ay nakatakdang sampahan ng kasong administratibo at kriminal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?