73

Jun 26, 2018 @ 18:29
By

2 bagito ng Clippers, pamalit kay DeAndre?

Inanunsiyo ng Los Angeles Clippers ang dalawang bagong salta sa koponan na napili sa NBA draft nitong nakaraang linggo.

Sina Shai Gilgeous-Alexander at Jerome Robinson ang bagong Clippers guards. Reserba umano ang dalawa sa center na si DeAndre Jordan.

Ito na ang huling hirit sa recruitment bago magsimula ang NBA free agency period sa Linggo at malaking tanong pa rin sa Clippers kung mananatili ba si Jordan sa koponan o ihihinto na nito ang kontrata.

Kaya naman nag-recruit ng dalawang Clippers guards ang koponan para masigurong may papalit kay Jordan.

Wala pa ring balita kay Jordan kung ano nga ba ang magiging desisyon nito sa darating na free agency.

“I talk to him, We pretty much stay away from the subject for the most part. But I talk to him. We stay in touch,” sabi ni Doc Rivers, head coach ng LA Clippers.

“No new updates. We continue to have dialogue with his agent, Jeff Schwartz, We’ll see how everything plays out,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?