77

By

2 Bagito nakatulong sa Aces; Huling halakhak sa E-Painters

Sharing is caring!

Nakaayuda ang mga uhugin pang sina Jeron Teng at Davon Potts para maligwak ng Alaska Milk ang Rain or Shine 110-97 sa wakas kahapon sa Philippine Basketball Association 2017 Preseason Games sa Upper Deck Gym sa Ortigas, Pasig City.

Pumuntos ng 15 pang-ibabaw sa 2 rebounds at 4 assist sa 21-minuto, 12-segundo salang ang dating La Salle Green Archer na si Teng habang may ambag si Potts na buhat sa San Beda Red Lions na 8-5-3 pts.-rebs.-asts.

Namayagpag sa opensa ng Alaska si Calvin Abueva na may 19 markers, 7 boards at 3 feeds.

May 12, 11 at 10 puntos pa sina Ronald Pascual, Simon Enciso, at Carl Bryan Cruz, ayon sa pagkakasunod.

Pero sa RoS ang huling halaklak maski binulilyaso ng Aces na ma-sweep ang apat na koponan, sa tatlong araw na torneo.

Ang Elasto Painters pa rin ang nag-uwi ng championship trophy, kahit rin nakaparehas ang Phoenix Petroleum sa 2-1 win-loss record dahil sa ginapi nila ang Fuel Masters noong Lunes, 95-91.

Consuelo de bobo na lang sa Aces ang pag-iwas na mabokya sa torneo sa panalong ito sa tatlong sabak, kakartada ang NLEX na niyari ng Fuel Masters.

Namuno naman sa puntusan sa RoS si Ed Daquioag na nirehistro ang 18.(Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?