21

Oct 13, 2021 @ 10:54
By

2 bagets nilamon ng ilog sa Cavite

Bangkay na nang maispatan ang dalawang musmos sa ilog ng Dasmariñas, Cavite.

Tinukoy ang dalwang biktima na may edad 11 at 13.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagkayayaan umano ang dalwa na maligo sa Pasong Baca River ngunit hindi na umahon matapos lumublob sa tubig.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa CDRRMO Dasmariñas at isinagawa ang search and rescue operation kasama ang Coast Guard.

Makalipas ang 2 oras, nakita na ang dalawa sa malalim na bahagi ng ilog.

Dahil dito, pinalalahananan ng mga awtoridad ang publiko, lalo na ang mga bagets na huwag maligo sa dagat lalo na kung walang kasamang matatanda. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?