321

Dec 13, 2017 @ 15:09
By

2 bading na masahista kalaboso sa pagnanakaw sa Kano

Kalaboso ang dalawang massage therapist na bading matapos tangayin ang P28K mula sa isang Amerikano sa loob ng hotel sa Ermita, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Agosto, 21-anyos, at Ramil Acol, 31.

Batay sa kuwento ng biktima na si alyas Wilbert, magkakasama silang nag-check in sa hotel ng alas-10:00 ng gabi, nang magpamasahe siya sa dalawa.

Sa sobrang ginhawa na dulot ng masahe, nakaidlip ang biktima at dito na siya nasalisahan ng mga suspek.

Agad naman na nakapagreklamo ang bitkima at dahilan para ma-hold ang mga suspek at hindi makalabas ng hotel.

Paliwanag ng arresting officer at junior supervisor ng hotel na si Rogelio Ocampo, maaaring naipasa na ng mga suspek ang pera sa dalawang lalaki na pumasok at sumalubong sa kanila sa lobby.

Agad din namang lumabas ng hotel ang mga ito kaya hindi na nahabol.

Sa huli, napaamin din ang mga ito sa ginawang pagnanakaw.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa General Assignment Investigation Section ng Manila Police District at mahaharap sa kasong theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?