2 babaeng pulis na dinukot sa Sulu, pinakawalan na

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Oscar Albayalde na nasa kustodiya na ng mga tauhan ng Sulu governor ang dalawang pulis na kinidnap ng Abu Sayyaf.

Nasa mabuti na umanong kalagayan ang mga ito na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad na halos tatlong linggo nang nasa kamay ng Abu Sayyaf.

Dinukot ang mga ito habang namamasyal sa Patikul, Sulu.

Wala pang ibang detalye na inilalabas hinggil dito habang isinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?