0
views

By

2 babaeng kawatan, huli sa pinagtaguan

Sharing is caring!

Naaresto ang dalawang babae matapos ilabas ng Pasig Prosecutor’s Office ang dalawang magkahiwalay na warrant of arrest para sa agarang pagdakip sa dalawa kahapon.

Batay sa report na nakalap sa tanggapan ng Eastern Police District, agad na kumilos ang mga tauhan ng follow-up section para mahuli ang mga suspek na naisyuhan ng warrant of arrest dahil sa kasong qualified theft.

Arestado si Agenisa Santuelle, alyas Jane, 34-anyos, bandang alas-10:30 ng gabi sa Sapphire Road, Ortigas Center, Barangay San Antonio, Pasig City.

Nahuli naman si Bhelinda Ruado, 40, sa Baloc Talavera, Nueva Ecija alas-8:30 ng umaga ng Huwebes sa tulong ng mga tauhan ng Talavera Police Station.

Kapwa nakakulong na sa Pasig City detention cell ang dalawa habang hinihintay ang commitment order mula sa prosecutor’s office laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?