3,149

Feb 4, 2019 @ 21:02
By

2 babae huling dumudumi sa bagong linis na Manila Bay

Viral ang larawan at video ng dalawang babae na naaktuhan habang dumudumi umano sa Manila Bay.

Sa larawan makikita ang babae na walang kiyeme na nagbaba ng kanyang shorts at nagtakip ng payong sa kabila na maliwanag ang lugar at maraming nagdadaang mga tao.

Habang sa video mapapanood ang isa pang babae na hindi rin napigilan na dumumi sa gitna pa ng Manila Bay.

Ikinagalit ito ng netizens at sinabing dapat hulihin ng sinumang nakakita ang mga ito.

Narito ang ilan sa galit na reaksiyon ng netizen:

“Imposing heavy penalty.ayan tomae.omihi.walang paki.kasi ayaw ninyo maghegpit.”

“Piga ulo ka ate ang daming public toilet dyan sa lugar na yan isa ka talagang certified pasaway sa lipunan. sana lang din ang mga lugar na ganyan every 30mtrs may public toilet kahit portable lang.”

“Sa. Amin May. Parusa. Yan kahit sinong makakita pwding. Magsumbong. Sa municipal Hall o kaya sa. Barangay hall. Firstly offense :php 500, 2nd offense php 1000, 3rd offens: ipasok ka talaga sa jail. Kaya takot kaming magkalat.”

“Kaya hanggat maraming squater sa daanan ng mga tubig creek/ ilog/ mga canal at mga nag isquat sa roxas blvrd hindi talaga malilinis ang manila bay.”

“Punyeta naman ang babaeng yan hindi lang mukha ang makapal, pati ang kangyang puday, kc hindi nahihiyang magtuwad dyan!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?