79

By

2 attack helicopter pamana ng Jordan sa ‘Pinas

Sharing is caring!

Tinupad ng gobyerno ng Jordan ang pangakong magbibigay ng dalawang cobra attack helicopter sa Pilipinas.

Sa pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte at King Abdullah II sa Jordanian Royalty’s Palace sa Amman Huwebes ng hapon, Setyembre 6 ay napag-usapan ang tungkol sa ipinangakong attack helicopters.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na darating sa bansa ang donasyong attack helicopters sa Hulyo 2019.

Kinakailangang sumailalim aniya sa siyam na buwang pagsasanay ang mga pilotong Filipino sa Jordan bago maiuwi sa bansa ang dalawang Cobra helicopter.

Nilinaw ni Go na hindi brand new ang donasyong helicopter kundi segunda mano ito.

Matatandaang nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang nakalipas na mga talumpati na pinatitigil siya ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na murahin si dating United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na kritiko ng kanyang anti-drug war dahil baka hindi tuparin ng hari ng Jordan ang ipinangakong helicopters.

Si Hussein ay pinsang buo ni King Abdullah II, at minsan na ring pinayuhan ang Pangulo na sumailalim sa psychiatric evaluation. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?