47

2 ASEAN service vehicles nagbanggaan, 2 sugatan

Sharing is caring!

Dalawa katao ang sugatan nang magbanggan ang dalawang sasakyang nakatalaga para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa Pasay City.

Sa report ng dzMM kanina, nangyari ang banggan sa kanto ng Jalandoni Street at Sotto Street sa Pasay City.

Ang insidente ay nangyari ilang daang metro lang ang layo sa Philippine International Convention Center, ang lugar na pinagdausan ng summit.

Isinugod na sa Pasay City General Hospital ang mga nasugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?