50
arrested
Mar 25, 2018 @ 16:42
By

2 arestado sa shabu sa Tondo

Kalaboso ang dalawa katao na kinabibilangan ng isang lalaki at isang babae sa simultaneous anti-criminality campaign ng Raxabago Police Station 6, Tondo pasado alas 11:45 Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Carmalyn Reboya, 44 anyos, residente ng Brgy. 86, Tondo, Manila at Arman Estopin, 28 anyos, residente naman ng Brgy.123, Tondo.

Base sa ulat ni PO2 Bob John Lolong, ng Raxabago PS-6, napilitan silang sitahin ang dalawa dahil sa kahina-hinalang ikinikilos. at nang kapkapan nila ang mga ito ay nakuha sa mga ito ang 2 piraso ng sachet ng Shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P600.

Paglabag sa Republic ACT 9165 ang kinakaharap na kaso ngayon ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?