Pumukaw sa pansin ng mga awtoridad ang video na ibinahagi sa social media kung saan makikita ang pagsira sa P10 na barya sa Real, Quezon.
Bunga nito, Abril 6 nang maglunsad ng operasyon ang mga operatiba ng Currency Management Sector ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Bureau of Investigation kung saan nadakip ang mga suspek na sina Ronnie Espiritu at Rodolfo Corral.
Ayon sa BSP, nahuli pa sa akto si Espiritu habang inaalis ang core metal sa P10 na barya para gawing singsing.
Nakumpiska sa operasyon ang mga nasirang barya at mga paraphernalia sa pagsira.
Sinampahan sina Espiritu at Corral ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) No. 247 o nagbabawal sa “mutilation of banknotes and coins”, at Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.
Mahaharap sila sa pagmumulta ng hindi lalagpas sa P20,000 at pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon.
The operatives of the Currency Management Sector of the Bangko Sentral ng Pilipinas (CMS-BSP) recently conducted a successful operation against currency mutilation in Real, Quezon which led to the arrest of two suspects.
More on this here: https://t.co/3XQiC4VeEQ pic.twitter.com/WInP1GgWGu— Bangko Sentral (@BangkoSentral) April 8, 2019