145

Dec 28, 2018 @ 21:02
By

2 arestado sa paggawa ng iligal na paputok

Walang tindahan sa Bocaue, Bulacan ang nagbebenta ng mga iligal na paputok.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde matapos makapagsagawa ng inspeksiyon sa mga tindahan ng mga paputok sa itinuturing na “Firecracker Capital of the Philippines.”

Aniya, ang lahat ng mga tindahan ay may mga permit at lisensiya maging ng mga itinakdang fire safety equipment.

Ngunit binalaan pa rin ni Albayalde ang mga awtorisadong vendor na huwag mangahas na magbenta ng mga iligal na paputok.

Iniharap naman ni Albayalde ang dalawang nahuling gumagawa ng mga iligal na paputok.

Nakumpiskahan sila ng may P300,000 halaga ng mga iligal na paputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?